Saturday, May 16, 2009

Announcement

Ang unang blog na ito ay ilalaan ko na lamang para sa mga announcements at mga list ng mga topics.

Gagawin ko ito upang hindi mapakinabangan ng mga taong mapagsamantala at mapagpanggap. Sa panibagong site na aking ginawa ay pili lamang ang maaaring makapasok. Walang kaibigan o kamag-anak dito. Gaya ng nasabi ko noon ang mga karapat-dapat lamang ang maaaring makaalam. Ayaw ko ng mga taong mapagkunwari at gagawa pa ng hindi makatotohanang salaysay para lamang makuha ang kanilang nais upang makapanglamang sa kapwa, pasensiyahan po tayo... hindi nyo ako makukuha sa ganyan.

Paunawa din sa lahat... Ako lang po ang namamahala sa blog site na ito. Wala po akong hinihinging kabayaran o anumang donasyon sa aking mga natutulungan. Sarili kong pera ang ginagamit ko kung may tao man akong pinupuntahan upang tulungan. Kahit ako ay nagigipit ay hindi ako basta-basta nanghihingi ng anuman kahit na kaninong tao. Sabi nga ni Ka Mon ang Diyos ang bahala sa lahat.

Wag kayong basta-basta magtitiwala sa mga taong gumagamit ng matatamis na salita upang makuha lamang ang kanilang nais. Mag ingat kayo sa mga taong ganyan na ginagamit sa mali ang Karunungang Lihim. At huwag na huwag kayong magbibigay ng mga personal na impormasyon ninyo sa mga taong hindi ninyo kakilala kung ayaw ninyong magantso kayo at mapahamak sa mga taong yan.