Thursday, May 14, 2009

BABALA SA LAHAT!!!

Mag ingat sa mga taong nagpapanggap na ako. At sinasabing ako daw ay nagpupunta sa Podium every Tuesday at Friday at ang pangalan ko daw ay Alex. Wag kayo magpapauto sa mga taong ganyan at magttxt sa inyo. Una ay hindi ko ibinibigay ang number ko kahit na kaninong tao na nahan dito sa blog na ito. At isa pa ay hindi ako nagpapakilala kanino man lalo na sa mga taong mapanlinlang.

Ikalawa ay hindi ako humihingi ng anumang bayad o donasyon sa aking mga tinutulungan.

Isang tao lamang ang nabigyan ko ng number ko at mahigpit ko siyang pinagbilinan na huwag ibibigay ang number ko sa ibang tao lalo na ang mga nasa blog site na ito. Iisang tao pa lang sa blog na ito ang personal na nakakita at nakakilala sa akin.

Kaya huwag kayo magpapauto kapag may nagtxt sa inyo at nagpakilala na ako daw siya. Paumanhin mga mapanlinlang na tao pero hindi ako yung tipo na magttxt e. May God have mercy on your pity soul. You are forcing me to make this blog private.

Dahil sa ganitong pangyayari na may mga taong mapagsamantala at ginagamit ang mga karunungang lihim upang manglamang sa kapwa at upang gawing pagkakakitaan ay inalis ko lahat ng blog entries ko dito. Kahit na pinaghirapan ko ang mag-type ng mga entries ay hindi ko ito panghihinayangan na gawin kesa naman gamitin ng mga mapagsamantalang tao.